Mahigit 40 milyong bakunado na ng COVID-19 hindi parin nagpapaturok ng booster shot ayon sa DOH
Sa gitna ng patuloy na pagdami ng ibat ibang variant ng COVID-19, patuloy ang panawagan ng Department of Health sa publiko na magpabooster shot na.
Sa datos mula sa National Vaccination Operations Center, hanggang July 12, may mahigit 71 milyon na ang fully vaccinated sa bansa.
Sa bilang na ito, may 41 milyon na sana ang pwede ng magpa booster pero hindi pa bumabalik sa vaccination sites.
Samantala, inulat ng DOH na may 9.6 milyong kabataan na ang bakunado na kontra COVID-19 habang may mahigit 3.7 milyong batang nasa edad 5 hanggang 11 taong gulang ang bakunado na rin.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: