Ilang kongresista inihihirit na bigyan ng special powers si PBBM
Sa gitna nang nagpapatuloy na problema sa mataas na presyo ng mga produktong petrolyo, at ilang agricultural products, nagbabala si Albay Congressman Joey Salceda sa negatibong epekto na maaaring idulot kung hindi mabibigyan ng special powers si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa Kapihan sa Manila Bay News Forum, iginiit ni Salceda na may malakas na hanay ng gabinete si PBBM at hindi rin aniya dapat maliitin ang negotiation power ng mga Marcos.
Una rito, isinulong ni Salceda ang Bayan Bangon Muli o BBM package kung saan nakapaloob ang set of special powers para sa Pangulo na layong mapigilan pa ang pagsirit ng mga presyo ng pangunahing bilihin.
Isinusulong rin nito ang pagkakaroon ng ayuda sa mga mga mangingisda at magsasaka na labis ring apektado ng pabago bagong sitwasyon ng ekonomiya.
Iminungkahi naman ni Salceda sa gobyerno na magkaroon ng national broadband para matulungang mapaangat ang maliliit na negosyante sa bansa.
Sa Lunes, kauna unahang State of the Nation Address ni Pangulong Marcos tiyak aniyang makakaasa ang publiko ng komprehensibong plano ng Pangulo sa unang taon ng panunungkulan nito.
Madelyn Villar- Moratillo