Philippine Red Cross nagbukas ng Bakunahan Center sa Malabon City
Binuksan na nitong Huwebes ang kauna-unahang bakuna center ng Philippine Red Cross (PRC) sa lungsod ng Malabon.
Sa opening day ay nagbakuna ang PRC ng 80-100 katao at magtutuloy-tuloy na ito sa mga susunod pang araw.
Maari nang magpabakuna laban sa Covid-19 ang kahit sinong residente ng Malabon, laluna yaong hindi pa nababakunahan ng primary 1st and 2nd dose, at maging yaong eligible na para sa booster shots.
Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jenny Sandoval ang pagbubukas ng naturang bakuna center, na dinaluhan din nina Dr. Philip Co, ang Development Management Officer ng Department of Health (DOH) CAMANAVA.
Dumating din sina Dra. Maureen Ruiz at Dr.Norman Esteban ng Malabon City Health Office at Julie Legaspi, Administrator ng PRC Malabon City Chapter.
Ulat ni Pol Bendanillo