Pagtatag ng Department of Disaster Resilience, isinulong muli ni Sen. Bong Go
Pursigido si Senador Christopher “Bong” Go na isulong muli ang panukalang batas na lilikha sa Department of Disaster Resilience (DDR).
Ito ang iginiit ni Go sa kaniyang video message sa relief efforts ng team nito sa mga sinalanta ng buhawi sa Digos City, Davao del Sur.
Ilan sa mga ibinigay sa outreach ng senador ay mga grocery items, pagkain, damit, face masks at mga bitamina.
Tinatayang 19 na pamilya sa Barangay San Miguel Hall ang nabigyan ng relief goods.
Namahagi rin ang kampo ng senador ng mga bisikleta, tablets at mga sapatos sa mga piling indibiduwal.
Nagbigay naman ang Department of Social Welfare and Development ng cash aid sa mga pamilya.
Nagkaroon din ang Department of Trade and Industry at ang National Housing Authority ng on-site assessments at nagbigay ng livelihood at housing assistance sa mga kuwalipikado.
Pinayuhan ng senador ang mga benepisyaryo na kung may sakit ay magpunta sa Malasakit Center saDavao del Sur Provincial Hospital kung saan puwedeng makahingi ng tulong medikal.
Hinimok naman ni Go ang mg ito na makipagtulungan at suportahan ang bagong liderato ng bansa.
Sa Senate Bill No. 188 na inihain ni Go, magtatatag ng tanggapan na tututok sa mabilis na pagresponde sa mga kalamidad.
Madelyn Moratillo