Mga inilatag na Legislative agenda ng Marcos Administration suportado ng mga Senador
Isa sa umani ng palakpak at nakakuha pa ng standing ovation mula sa mga audience ang pahayag ng Pangulo tungkol sa planong pagtatayo ng Center for Disease Control and vaccine institute at mga specialty hospital.
Ayon sa mga Senador, sinusuportahan nila ang mga inilatag na legislative agenda ng Marcos Administration.
Katunayan ayon kay Senador Pia Cayetano karamihan sa mga binanggit ng Pangulo may nakapending ng panukala .
Sa isyu ng pagpapalawak ng mga specialty hospital sinabi ng Senador bilang dating Chairman ng Committee in Health, pwede na itong gawin sa mga Regional hospital ang kailangan lang manpower at pondohan ang iba pang medical equipment .
Sinabi ni Senador Francis Tolentino doble naman ang mga hinihiling ng Pangulo sa Kongreso.
Ang kailangan lang magpatawag ng Ledac meeting at mag-usap ang lehislatura at ehekutibo para matiyak na ang mga ipapasang panukala ay mapopondohan at hindi ibe veto ng Pangulo .
Meanne Corvera