Agarang pagbuo ng house ways and means Committee , hiniling kay House speaker Martin Romualdez para mapabilis ang pagpapatibay sa mga priority measures na hinihingi ng Pangulo sa Kamara
Hiniling ni Albay Congressman Joey Salceda kay House Speaker Martin Romualdez ang agarang pagbuo ng House Ways and Means Committee para maaksiyunan kaagad ang mga priorty bills na hinihingi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara na binanggit niya sa kanyang katatapos na State of the Nation Address o SONA.
Sinabi ni Salceda na hindi 19 kundi 18 lamang ang priority measures na hinihingi ni Pangulong Marcos Jr. na dapat mapagtibay sa lalong madaling panahon dahil ang E-Governance Act ay nadoble lamang sa listahan ng Chief Executive.
Ayon kay Salceda 10 sa 18 priority bills ng Pangulo ay napagtibay na sa third reading noong 18th congress at ang 3 iba pang panukalang batas na hindi nakasama sa 18 na nabanggit sa SONA ay aprubado narin sa third reading.
Inihayag ni Salceda na maaaring gamitin ang kasalukuyang house rules na lahat ng mga panukalang batas na nakalusot na sa third reading na naabutan ng pagsasara ng nagdaang kongreso ay maaaring i-shortcut na ang committee hearing ngayong 19th Congress.
Kabilang sa mga priority bills na binanggit ng Pangulo sa kanyang SONA ay kinabibilangan ng:
1. National Government Rightsizing Program (HB 419)– Approved on 3rd reading
2. Budget Modernization Bill (HB 418)
3. Package 3 of the tax reform (HB 54) – Approved on 3rd reading
4. Package 4 of tax reform – Approved on 3rd reading
5. E-Government Act – Approved on 3rd reading
6. Internet Transactions Act (HB 687)– Approved on 3rd reading
7. GUIDE (HB 685)– Approved on 3rd reading
8. Medical Reserve Corps — Approved on 3rd reading
9. National Disease Prevention and Management (HB 46) — Approved on 3rd reading
10. Virology Institute of the Philippines (HB 47) — Approved on 3rd reading
11. Department of Water Resources (HB 55)
12. MUP Pension System (HB 667)
13. National Land Use Act (HB 420)
14. National Defense Act Bill
15. Mandatory ROTC and national service training program (HB 639)– Approved on 3rd reading
16. Enabling Law for Natural Gas Bill
17. Amendments to the EPIRA Bill
18. Amendments to the BOT—PPP Law (HB 49)
Kasama din ang tatlong mahahalagang panukalang batas na wala sa listahan ng Pangulo subalit binanggit niya sa kanyang SONA ay kinabibilangan ng:
1. VAT on digital service providers (HB 372) — Approved on 3rd reading
2. Ease of Paying Taxes (HB 53)– Approved on 3rd reading
3. Agrarian Reform Debts Condonation (HB 665) – Approved on 3rd reading (as part of ARISE Law)
Vic Somintac