156 examinees pumasa sa 2022 Special Shari’ah Bar Examinations
Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng
2022 Special Shari’ah Bar Examinations.
Mula sa 532 examinees, kabuuang 156 ang pumasa sa pagsusulit o 29.66% na passing rate.
Isinagawa ang Special Shari’ah Bar Examinations noong Marso 20 at 22 sa UP Diliman.
Ayon kay 2022 Special Shari’ah Bar Examinations Chairperson Macrina Morados, Dean ng UP Institute of Islamic Studies, inaprubahan ng Supreme Court En Banc ang petisyon ng bar committee na ibaba sa 70% ang passing percentage.
Ito ay para bigyan konsiderasyon ang mga hamon at pangyayari na kinaharap ng mga examinees sa panahon ng pandemya.
Kasamang inilabas ng SC ang top ten passers sa 17th Special Shari’ah Bar Exams.
Si Cayasalam Ambung-Maniri ang nanguna sa eksaminasyon na nakakuha ng 85.625%.
Idinadaos kada dalawang taon ang Shari’ah Bar Exams na sinimulan noong 1983.
Ang mga Shari’ah Law practitioners ay naglilitis ng mga kaso sa mga Shari’ah district at circuit courts na karamihan ay nasa Mindanao.
Ang Shari’ah o Islamic Law ay ang batas na gumagabay sa pamumuhay ng mga Muslim.
Moira Encina