Lindol naramdaman din sa Metro manila
Naramdaman rin sa Metro manila ang malakas na pagyanig.
Sa Ortigas city, pinalabas ang lahat ng mga empleyadong nagtatrabaho sa matataas na gusali.
Ayon sa ilang empleyado, ilang minuto rin nilang naramdaman ang matinding pag-uga sa kanilang mga tanggapan
Sa Pasay city, pinalabas rin ang mga construction workers sa isang ginagawang gusali.
Sa GSIS building sa Senado, pinalabas rin ang lahat ng mga empleyado kasama na sina Senador Robin Padilla at JV Ejercito.
Iba sa kanila pinalabas sa pamamagitan ng emergency exit sa likod ng GSIS building.
Agad sinuri ng Senate engineering ang gusali kung saan nakita ang ilang maliliit nakita ang ilang maliliit na bitak.
Pero matapos ang pagsusuri, idineklara naman itong ligtas para sa mga empleyado at pagdaraos ng sesyon.
Mag-aambagan na rin ang mga Senador para makalikom ng pondo para sa mga apektado ng lindol.
Si Senador Alan Peter Cayetano, susulat naman kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. para hilingin na i certify na ‘urgent ang panukala para lumikha ng Department of Disaster Resilience.
Meanne Corvera