Unang batch ng mga Pinoy repatriates mula sa Sri Lanka, nakauwi na sa bansa
Nakabalik na sa Pilipinas ang unang batch ng mga apektadong Pilipino mula sa Sri Lanka.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot sa 13 repatriates na binubuo ng anim na babae, dalawang lalake, at limang menor de edad ang natulungan ng kagawaran na makauwi sa bansa.
Bahagi ang grupo ng 114 Pilipino na nagpahayag ng kanilang kanaisan na makabalik sa Pilipinas bunsod ng nagpapatuloy na krisis sa ekonomiya sa Sri Lanka.
Plano ng DFA na matapos ang repatriation sa mga nasabing Pinoy sa ikalawang linggo ng Agosto kung walang magiging komplikasyon.
Pinondohan ng departamento ang return tickets ng 13 Pilipino na dumating sa bansa sakay ng commercial flight mula sa Colombo.
Tiniyak ng DFA na binabantayan ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs, Philippine Embassy in Bangladesh na may hurisdiksyon sa Sri Lanka, at Philippine Honorary Consulate General in Colombo ang sitwasyon at kalagayan ng mga Pilipino sa Sri Lanka.
On going din ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga Pinoy sa Sri Lanka.
Moira Encina