Eastern Samar, tinamaan ng 5.1-magnitude na lindol

Tinamaan ng isang 5.1-magnitude na lindol ang Eastern Samar ngayong umaga, Martes (Aug. 2).

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol kaninang ala-1:10 ng madaling araw na ang sentro ay 13 kilometro hilagangsilangan ng General MacArthur.

Napaulat ang sumusunod na intensities at instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensities:

Intensity V- General Macarthur, Hernani, at Quinapondan, sa Eastern Samar; Pastrana, Palo, at Tacloban City, sa Leyte

Instrumental Intensities:

Intensity III – Abuyog, Alangalang, Leyte
Intensity II – Hilongos, Mahaplag, Baybay, sa Leyte; Hinunangan, sa Southern Leyte
Intensity I – Ormoc City, Albuera, sa Leyte; Sogod, sa Southern Leyte

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian nguni’t inaasahan ang aftershocks.

Please follow and like us: