Panukalang batas laban sa mga Spam messages sa mga electronic gadget,inihain sa Kamara
Isinusulong ngayon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong wakasan ang naglipanang Spam messages.
Batay sa House Bill 270 o “No Call, No Text, and No E-mail Registration System Act”, ni Tarlac Congressman Christian Yap kailangang mabigyang proteksyon ang mobile phone subscribers at e-mail users mula sa Spam messages o unwanted calls, text messages at e-mails.
Nakasaad sa panukalang batas ni Yap na ipinagbabawal din nito ang unsolicited commercial at promotional advertisement na walang pahintulot mula sa makatatanggap upang matiyak ang patas at mas responsableng marketing practices.
Sinabi ni Yap na sa nakalipas na dalawang taong sa kasagsagan ng pandemiya ng COVID-19 ay naglipana ang Spam messages na ang target ay makapanloko lalo na sa mga hindi gaanong sanay sa teknolohiya.
Nakalagay din sa panukala ang pagbuo ng isang No Call, No Text and No E-mail Registries sa ilalim ng National Privacy Commission kung saan naroon ang listahan ng mga nagpa-rehistrong subscribers na ayaw makatanggap ng mga promotion at subscription messages.
Maaaring ang magulang o guardian naman ang magrehistro sa numero ng isang menor de edad.
Vic Somintac