DOH, hindi naabot ang target na mabakunahan sa booster shot vaccination program
Umapila ang Department of Health sa publiko lalo na ang mga hindi pa bakunado na samantalahin ang vaccination program ng gobyerno kontra COVID – 19.
Ginawa ni DOH- OIC Ma. Rosario Vergeire ang apila, kasunod ng mababang vaccination turnout ng PinasLakas booster vaccination program ng pamahalaan.
Sa ilalim nito, target nilang makapagbakuna ng 397 libong indibidwal kada araw.
Pero mula ng simulan ito noong July 26 hanggang 31, 195 libo palang ang nabigyan ng booster dose.
Ayon kay Vergeire ,humingi na rin sila ng tulong sa mga lokal na pamahalaan para mapaigting pa ang kanilang kampanya.
23 milyon ang target na mabigyan ng booster dose ng gobyerno sa ilalim ng nasabing programa.
Madelyn Villar- Moratillo