Brigada eskuwela sa San Antonio Elementary School sa barangay Katipunan,Quezon city pinasimulan na
Inihahanda na ang San Antonio Elementary School para sa pagbabalik aral ng mga estudyante ngayong buwan sa pamamagitan ng Brigada Eskuwela.
Sinabi ni Ginoong Antonio Miranda ,Principal ng San Antonio Elementary School na sa August 22 opisyal na magbubukas ang klase sa boong kapuluan.
Ayon kay Ginoong Miranda, umaabot sa mahigit tatlong libo ang kanilang student population na maaaring tumaas pa ang bilang dahil may transferees pa mula sa ibang paaralan.
Banggit pa nito na kahit ang mga hindi pa bakunando laban sa COVID- 19 ay papapasukin sa klase basta sundin lamang ang standard health protocol partikular ang pagsusuot ng face mask.
Katulong din ng San Antonio Elementary School ang grupong Ban Toxics para masigurong ligtas sa anumang nakalalasong kemikal ang paaralan tulad ng ginagamit na pintura sa pagpapaganda sa mga silid – aralan, at gagamiting school supplies.
Samantala, sinabi ni Ginoong Tony Dizon, Campaigner ng Ban Toxic na ikinakampanya nila ang paggamit ng mga non -toxic material sa mga paaralan.
Sa panig naman ng mga magulang ng mga mag-aaral sa San Antonio Elementary School, handa silang makipagtulungan sa mga opisyal at guro ng paaralan para sa ligtas na pagbabalik eskuwela ng kanilang mga anak sa gitna pa rin ng pandemya ng COVID -19.
Vic Somintac