Bagong Public transport system sa Makati asahan sa 2025
Bukod sa Makati Subway magkakaroon na ng pampublikong electric buses ang Makati city.
Ito ay matapos na lumagda sa kasunduan sina Makati Mayor Abby Binay at mga opisyal ng Korea International Cooperation Agency o KOICA para sa pagtatayo ng isang smart public transport system sa lungsod.
Batay sa kasunduan, popondohan ng 13 million US dollars ng KOICA ang proyekto, kasama na ang disenyo at pagtatayo ng electric bus depot at control tower, at supply ng electric bus units.
Samantala, sasagutin naman ng lungsod ang mga lote kung saan itatayo ang bus depot at parking area, pati na rin ang budget para sa operasyon, storage, at maintenance ng electric buses na inaasahang matatapos sa 2025.
Sinabi ni Mayor Abby , na makatutulong din ang electric buses sa pagbawas ng greenhouse gas emission dahil ang mga ito ay hindi na kailangang gamitan pa ng gasolina.