Legislative calendar para sa 1st regular session ng 19th Congress, pinagtibay na sa Kamara
Inaprubahan na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang legislative calendar para sa first regular session ng 19th Congress.
Ito ang inihayag nina House Majority Leader Manuel Jose Mannix Dalipe at House Minority Leader Marcelino Libanan.
Ang legislative calendar ng first regular session ng 19th Congress ay nakapaloob sa House Concurrent Resolution number 5 na pinagtibay din ng Senado.
Batay sa legislative calendar ng first regular session ng 19th Congress nagbukas ang session noong July 25 at magpapatuloy hanggang September 30 ng taong kasalukuyan.
Sa October 1 hanggang November 6 ay magkakaroon ng adjournment ang session at muling babalik sa November 7 hanggang December 16.
Muling magkakaroon ng adjournment ng session ng Kongreso sa December 17, 2022 hanggang January 22, 2023.
Babalik ang session ng Kongreso sa January 23 hanggang March 24, 2023.
Muling magkakaroon ng adjournment ng session ng Kongreso sa March 25 hanggang May 7.
Babalik naman sa May 8 hanggang June 2.
Muling magkakaroon ng adjournment ng session mula June 3 hanggang July 23 kasunod ng adjournment sine die o pagsasara ng first regular session ng 19th Congress.
Vic Somintac