Bilang ng nabakunahan sa ilalim ng PinasLakas program ng gobyermo mahigit 300,000
Isang linggo mula ng ilunsad ang PinasLakas booster vaccination, hindi pa rin naaabot ng gobyerno ang target nito na makapagbigay ng karagdagang dose ng COVID-19 vaccine kada araw.
Sa datos mula sa Department of Health, hanggang nitong Agosto 2, umabot pa lang sa 364,784 ang nabakunahan.
Ang PinasLakas vaccination, ay sinimulan noong Hulyo 26.
May 2,685 senior citizens naman ang nabigyan ng full dose ng COVID-19 vaccine sa kapareho ring panahon.
Ang target mabakunahan sa ilalim ng PinasLakas program ay 23 milyong indibidwal, o 397 libo kada araw.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: