Senator Villar, hindi pabor sa panukalang batas na pagbibigay muli ng ayuda sa mga mahihirap na apektado ng COVID-19
Hindi pabor si Senator Cynthia Villar sa panukalang magpasa ng batas para magbigay ng panibagong ayuda sa mga mahihirap na pamilyang apektado ng COVID- 19 at pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa dulot na serye ng oil price hike.
Sa report ng Philippine Statistics Authority o PSA, pumalo na sa 6. percent ang inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin nitong Hulyo.
May nakapending na panukala si Senador Alan Peter Cayetano na magbigay ng sampung libong pisong ayuda sa mga mahihirap na pamilya.
Pero ayon kay Villar, sa halip na ayuda mas mabuting magbigay ng livelihood program o pangmatagalang solusyon.
Para sa Senadora, dapat maging mapamaraan ang mga pilipino para magkaroon ng sariling pagkakakitaan sa halip na umasa lang sa tulong ng gobyerno.
May mga inaprubahan naman aniyang grant para sa loan ng mga nais magnegosyo sa ilalim ng Department of Trade and Industry.
Meanne Corvera