Monkeypox virus, walang reinfection; Publiko hindi dapat magpanic, ayon sa isang Dermatologist
Wala pang local transmission ng monkeypox virus sa bansa.
Kaya naman iginiit ni Dr Winlove Mojica, Clinical Associate Professor sa Department of Dermatology ng UP-PGH, hindi dapat matakot ang publiko dahil hindi tulad ng COVID- 19 na mabilis kumalat, kailangan ng malapitan at direktang contact sa taong infected bago mahawa ng monkeypox.
Kaya sa mga nakikitaan ng sintomas nito, inaalam agad aniya ang travel history.
Matatandaan na ang kauna-unahang kaso ng monkeypox sa bansa ay galing sa mga bansang apektado ng nasabing virus.
Mababa rin aniya ang tyansa na masawi dahil sa monkeypox kumpara sa COVID-19.
Ilan sa naiulat na nasawi dahil sa monkeypox ay dahil aniya sa pamamaga ng utak o may ibang organ na naapektuhan.
Nilinaw rin ni Mojica na hindi tulad ng COVID- 19, ang monkeypox ay walang reinfection.
Ibig sabihin, kapag nagkaroon nito, hindi na ulit tatamaan pa.
Madz Moratillo