Manila LGU,sinimulan na ang disinfection sa mga eskwelahan bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase
Halos dalawang linggo bago ang pagbubukas ng klase, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang paglilinis at disinfection sa mga pampublikong paaralan sa Lungsod.
Lalo na ang mga paaralan na ginamit bilang isolation facility noong kasagsagan ng pandemya.
Matatandaang dahil sa kakulangan ng isolation at quarantine facilities nitong pandemya, ilang paaralan ang ginawa munang isolation facility.
Partikular na inatasan ni Mayor Honey Lacuna ang Manila Health Department at Manila Disaster Risk Reduction Management Office para pangunahan ang disinfection sa mga eskwelahan.
Layon nitong masiguro ang kaligtasan ng mga guro at estudyante sa kanilang pagpasok sa paaralan.
Madelyn Villar-Moratillo