Filipino Visual Artist, kauna-unahang Pinoy Artist na naging kinatawan sa 23RD Nord Art Prize sa Germany
Sa kasaysayan ay kilala ang Germany na may pinakamataas na pagpapahalaga sa iba’t ibang uri ng sining.
Dahil dito, magkahalong emosyon ang naramdaman ng Pinoy visual artist na si Reynold “Rendi” Dela Cruz, nang maging kalahok siya sa 23RD Nord Art Prize sa Rendsberg, Germany at nakapagsagawa pa ng ika-18 niyang solo exhibit sa Atelier Hamann Gallery sa Hanover, sa tulong ng kaniyang kaibigan at kapwa artist na si Katrin Hamann.
Si Dela Cruz ang kauna-unahang Filipino representative para sa 23RD Nord Art Prize 2022, isang prestihiyosong art exhibit sa Germany na nilalahukan ng higit sa 100 curator mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Pagkatapos ng dalawang art exhibit sa Germany ay ibinahagi ni Dela Cruz ang kaniyang mga natutuhan sa sining at nagbigay ng mensahe sa mga kabataan at aspiring Filipino artists na katulad niya ay nagsimula rin sa wala.
Betheliza Paguntalan