6.8 milyong pisong halaga ng shabu nasabat sa Tawi-Tawi
Aabot sa 6.8 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, Intelligence Service, Armed Forces of the Philippines, at Philippine Marines sa Tawi-Tawi.
Ayon sa PCG, ang iligal na droga ay itinago sa Chinese tea plastic bags na nakalagay sa isang reusable bag.
Aabot sa isang kilo ng iligal na droga ang nakuha mula sa mga suspek na kinilalang sina Nurhamin Nurussin at Husna Nurussin.
Mahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga ito.
Madelyn Villar- Moratillo
Please follow and like us: