Panukalang Batas na magpapataw ng parusa sa fake news, isinusulong sa Kamara
Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na naglalayong ituring na krimen ang pagpapakalat ng fake news.
Ito ang House Bill 2971 ng iniakda ng mag-asawang Malabon Representative Veronique Lacson Noel at An Waray Partylist Representative Florencio Bem Noel na maaaring kasuhan at makulong ang mga mahilig magpakalat ng hindi totoong balita at impormasyon.
Sinabi ng mag-asawang mambabatas hindi maaaring palampasin ang misinformation at disinformation na lumalason sa isip ng publiko sa pamamagitan ng pagbaluktot sa katotohanan.
Kung magiging ganap na batas ang HB 2971, ang parusa para sa mga nagpapakalat ng fake news ay pagkakakulong na hindi bababa sa anim na buwan at multa na aabot sa 40,000 hanggang 200,000 piso.
Vic Somintac