DOH kumpiyansa pa ring maabot ang target na bilang ng mabibigyan ng booster dose ng COVID-19 vaccine
Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Department of Health na maaabot ang target na mabigyan ng booster dose kontra COVID-19.
Ito ay kahit dalawang linggo na mula nang simulan ang ‘PinasLakas’ Booster vaccination, mababa pa rin ang bilang ng nagpapaturok ng 3rd dose.
Sa datos ng DOH, sa ngayon ay nasa mahigit 1.3 milyon pa lang ang nabigyan ng booster sa ilalim ng nasabing programa.
Para sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 23 milyon ang target sana ng DOH na mabigyan ng booster habang 397 libo naman ang target maturukan nito kada araw.
Samantala, sa mga nasa edad 18 pataas kung ang primary vaccine ay AstraZeneca, Sputnik V, Moderna, Pfizer, Sinopharm, at Sinovac 3 buwan ang interval para sa 1st booster.
Habang para naman sa Sputnik Light at Janssen ay 2 buwan lang.
Para naman sa mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos, na immunocompromised, 28 araw ang kailangan para sa 1st booster habang 5 buwan naman para sa general population.
Madelyn Villar- Moratillo