Hindi komo lumalaki ang katawan ang problema ay dahil sa pagkain lang …

Hello, mga kapitbahay!

Sa ating programang Kapitbahay, may nagtanong kay Dr. Rylan Flores, ang tanong niya, bakit tumataba at bumibigat siya gayung binabantayan naman niya ang mga kinakain niya?

Ang sabi ni Doc Rylan, hindi komo lumalaki ang problema ay pagkain lang, bagaman factor ito sa paglaki o pagtaba ng isang tao.

Dapat din aniyang ikunsidera o isaalang-alang ang iba pang bagay gaya ng hormones, metabolism, maaaring hereditary o genetic.

Napakaraming dapat tingnan at pag-aralan kung weight problems ang pag-uusapan.

Pero, sabi nga ni Doc, kung talagang ikaw ay obese, dapat muna ay acceptance.

Pagtanggap na ikaw ay sobra ang timbang sa nararapat.

Dagdag pa ni Doc, may pagsusuri na ginawa na pinag-aralan iyong mga tao na nagsabi na may problema sila sa timbang at medyo lumalaki.

Sa questionnaires na ibinigay sa mga respondent ay lumabas o nadiskubre na ang mga taong may problema sa timbang at medyo lumalaki.

Bagaman alam nila ang problema ay hindi agad kumukonsulta o humihingi ng payo sa kanilang kalagayan.

Dadaaan muna ang ilang panahon bago lumapit o kumunsulta sa isang health practitioner para magtanong kung ano ang puwede nilang gawin.

Samantala, ang mga healthcare practitioner naman ay alam nila kung paano makatutulong lalo na’t sa pagbibigay ng payo at kung ano ang pupuwedeng gawin, ang kaso, hindi nila magawang pangunahan o ayaw nilang mag-initiate, dahil may pagkasensitive ang isyu.

Meron kasing mga tao na kapag nabanggit na medyo lumalaki sila o tumataba sila ay napaka sensitive, nag-iiba ang mood at ayaw na kinakausap?

Alam po ba ninyo ang timeframe para kumausap ‘yung isa sa isa?

Alam po ba ninyo kung gaano katagal?

Hindi lang buwan, o isang taon kundi anim na taon.

Wow! anim na taon bago makuha ng isa’t isa na makapag-usap.

Actually, ang dapat tingnan dito ay hindi ang weight problem, kundi higit sa lahat ay ang posibleng complication na mangyari, sa loob ng anim na taon na patuloy ang paglaki o pagtaba o pagbigat.

Puwede kasing magkaproblema sa asukal o magka-diabetes.

Puwede ding magkaproblema sa dyslipidemia, sa cholesterol, triglycerides at kung ano-ano pa.


Ibig sabihin, mahabang panahon bago makapagpa check-up.

Kaya nga, mahalaga na obserbahan natin ang ating sarili, sabi nga … listen to your body.

Hindi lamang sa pagbigat ng timbang o pagtaba, maging sa iba pang puwedeng maging kumplikasyon nito. Kumunsulta po sa duktor!

Salamat, Doc Rylan Flores, hanggang sa susunod ulit mga kapitbahay!

Please follow and like us: