PBBM pinawi ang pangamba sa mataas na presyo at sugar supply shortage
Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga food manufacturer na kumikilos ang gobyerno upang masolusyunan ang mataas na presyo ng asukal sa bansa.
Ito ay matapos na makipagpulong si PBBM sa mga miyembro ng Philippine Chamber of Food Manufacturers, Incorporated na isinagawa sa malakanyang kung saan ay tinalakay ang kakulangan ng asukal sa bansa at kung papaano ito matutugunan.
Sa nasabing pulong ay sinabi ni PBBM na hangad ng kaniyang administrasyon ang maayos na takbo ng negosyo at magkaroon ng seguridad sa trabaho ang mga pilipino na nasa industriya ng fast-moving consumer goods o fmcg.
Ayon pa sa Pangulo, sinusuri na nila ang pagtatakda ng malinaw na sistema kaugnay sa pagtaas ng supply ng asukal sa bansa upang masiguro ang pagkakaroon ng sapat na supply nito.
Eden santos