Liderato ng Kamara, hinihiling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na regular na magpatawag ng LEDAC meeting
Nais ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na dalasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatawag ng pulong sa Legislative Executive Development Advisory Council o LEDAC.
SInabi ni House Speaker Martin Romualdez na kailangan ang close coordination sa pagitan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado at Malakanyang upang maiwasan ang paggamit ng Pangulo ng kanyang veto power sa mga pangunahing panukalang batas na isinusulong ng administrasyon.
Ayon kay Romualdez handa ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na pagtibayin ang lahat ng priority bills ni Pangulong Marcos Jr. na binanggit niya sa kanyang unang State of the Nation Address o SONA.
Kabilang sa priority measures na hiniling ng Pangulo sa kongreso ay pawang may kinalaman sa economic recovery program ng pamahalaan upang mabilis na makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac