Unggoy tumawag sa 911
Nagkumahog na makarating sa isang zoo ang mga pulis sa California makaraang makatanggap ng tawag mula sa 911, ngunit natuklasang isang pilyong unggoy lamang pala ang nag-dial.
Nagpadala ng mga pulis ang dispatchers upang imbestigahan ang isang posibleng emergency, makaraan nilang makatanggap ng tawag na bigla ring na-disconnect.
Natunton ng deputies ng Sheriff sa San Luis Obispo County na ang tawag ay nagmula sa tanggapan ng Zoo to You, isang conservation park, 200 milya (320 kilometro ) sa hilaga ng Los Angeles, ngunit wala naman silang nakitang tao na nangangailangan ng tulong.
Subalit hindi ito napigil ang mga pulis at determinado silang malaman kung sino ang nasa likod ng tawag, kaya nagsimula silang mag-imbestiga.
Sa social media post ng tanggapan ng sheriff, nakasaad na nang kalaunan ay napagtanto nila na maaaring ang tumawag ay si Route, ang Capuchin monkey na alaga sa nasabing zoo.
Ang Capuchin monkeys ay partikular na pilyo at malilikot na uri ng unggoy, kung saan mahilig at nasisiyahan silang sundot-sundutin o pindot-pindutin ang anumang bagay na kanilang makita o mapulot.
Ayon sa post, “Apparently, Route had picked up the zoo’s cell phone… which was in the zoo’s golf cart… which is used to travel around the zoo’s 40 acre site. And that’s what Route did… just so happened it was in the right combination of numbers to call us.”
© Agence France-Presse