BSP pinayuhan ang publiko na huwag makipagtransaksiyon sa unregistered at foreign Virtual Asset Service Providers
Binalaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa hindi rehistrado o kaya naman ay naka-base sa abroad na Virtual Asset Service Providers (VASPs).
Sinabi ng BSP na ikinukonsidera na high risk activities ang mga virtual asset transaction na maaaring magresulta sa malaking financial losses.
Aminado ang Bangko Sentral na kahit ang government at registered VASPs ay hindi garantiya ng proteksyon mula sa financial losses bunsod ng price fluctuations ng VA.
Ayon pa sa BSP, kung ang VASP naman ay nasa ibang bansa ay karagdagang hamon ang paghabol sa mga ito.
Batay sa datos, ang mga fraud at scam ang karamihan ng VA-based crimes kaya dapat maging maingat at pag-isipan na mabuti ang pinapasok na VA dealings.
Maaaring beripikahin sa website ng central bank ang listahan ng BSP-registered VASPs.
Sa ngayon ay 19 ang VASP na regulated at supervised ng Bangko Sentral.
Moira Encina