Global ranking ng Pilipinas sa fixed broadband at mobile speed tumaas nitong Hulyo

Mas bumilis pa ang internet download speed sa bansa pagdating sa fixed broadband at mobile.

Sa Ookla Speedtest Global Index report, nitong Hulyo, mula sa dating 68.94 Mbps noong Hunyo ay umakyat sa 75.62 Mbps ang fixed broadband median speed sa bansa.

Umabot naman sa 102.93 Mbps ang average download speed para sa fixed broadband.

Mula naman sa 21.41 Mbps noong Hunyo umabot na sa 22.56 Mbps ang mobile median speed.

Umabot naman sa 52.33 Mbps ang mobile average download speed.

Kasunod nito, umakyat pa ang global rank ng Pilipinas na ngayon ay nasa ika-46 puwesto na
mula sa 182 bansa para sa fixed broadband, habang ika-84 naman mula sa 140 bansa sa mobile.

Sinasabing ang pagganda ng internet speed sa bansa ay dahil sa naging mas mabilis na ang pagproseso sa pag-iisyu ng permits ng mga lokal na pamahalaan na nagresulta sa pagdami ng naitayong cellular towers at fiber optic network.

Habang sa unang quarter naman ng susunod na taon ay inaasahang masisimulan na rin ang deployment ng Starlink broadband ni Elon Musk sa bansa.

Aabot sa 100Mbps hanggang 200Mbps download speed ang pangako ng nasabing kumpanya.

Madz Moratillo

Please follow and like us: