Political circus at Phishing expedition, hindi mangyayari sa mga pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee
Tiniyak ni Senador Francis Tolentino na walang mangyayaring political circus at Phishing expedition sa mga imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee.
Ito ay kaugnay sa maanomalyang importasyon ng asukal at mamahaling laptop ng Department of Education.
Pero umapila si Tolentino sa mga kasamahan na iwasan ang mahahabang mga hearing at igalang ang karapatang pantao ng mga resource person.
Paalala ng Senado na sa paggawa ng batas, ang kanilang mandato ay dapat ipaubaya na sa Korte gaya ng Ombudsman at Sandiganbayan kung may batayan para kasuhan ang sinumang nasasangkot ng mga opisyal o tauhan ng gobyerno.
Gayunman, mananatili ang rules ng Blue Ribbon na paglalabas ng Detention at Commitment order laban sa mga testigo o resource person na tatangging makipagtulungan sa mga pagdinig.
Sa ilalim ng Detention order, ikukulong sa premises ng Senado ang sinumang pinatawan ng contempt pero kapag commitment order ay ibibilanggo sila sa Pasay city jail o New Bilibid Prisons.
Sa nakaraang 18th Congress, 3 ang ipinabilanggo ng komite sa labas ng Senado.
Ito’y sina Police Major Rodney Baloyo na dawit sa Ninja cops, Linconn Ong at Mohit Dargani na kapuwa opisyal ng Pharmally Pharmaceutical corporation na dawit sa umano’y overpriced at maanomalyang Pandemic supplies.
Meanne Corvera