DOTR Usec. Elmer Sarmiento bumisita sa PCG para makita ang kahandaan sa Oplan Balik Eskuwela
Personal na nagpunta si Transportation Undersecretary Elmer Sarmiento sa Philippine Coastguard para inspeksyunin ang kanilang mga kagamitan at makita ang kahandaan nito sa pagsisimula ng klase sa Lunes.
Ayon kay Sarmiento, umaasa siyang magiging maayos ang lahat at walang magiging anumang aberya.
Kahapon una na rin umano siyang nagpunta sa Philippine Ports Authority para alamin ang kahandaan ng mga pantalan.
Sa panig ng PCG, sinabi naman ng commandant nito na si Admiral Artemio Abu na noong nakaraang Lunes pa ay naka-full heightened alert na sila sa buong bansa.
Kasama rin aniya sa kanilang binabantayan ang mga maliliit na bangka na hindi awtorisadong magsakay ng mga pasahero para iwas aberya sa karagatan.
Madz Moratillo