13 volcanic quakes naitala sa Taal volcano

Nakapagtala ang Phivolcs ng 13 volcanic earthquakes sa bulkang Taal sa nakalipas na bente cuatro oras.

Ayon sa Phivolcs, kasama rito ang walong volcanic tremors na tumagal ng dalawa hanggang walong minuto at mahinang background tremor.

Naitala rin ng ahensya ang 3,818 tonelada ng sulfur dioxide.

May ‘upwelling’ ng mainit na volcanic fluids sa lawa ng main crater.

Nagkaroon din ng plume na may taas na 1,500 metro na napadpad sa timog-kanluran.

Sa ngayon, nananatili sa Alert level 1 ang bulkang taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano island , lalo na sa main crater at daang kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng taal.

Paalala pa ng phivolcs, maaaring makaranas ng biglaang steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

PHIVOLCS

Please follow and like us: