DepEd handa na sa pagbubukas ng klase sa pampublikong eskwelahan sa buong bansa sa Lunes
Handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase sa lahat ng pampublikong eskwelahan sa buong bansa sa Lunes.
Ayon kay VIce President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio, sa kabila ng mga kinakaharap na problema, ay tuloy na ang face-to-face classes.
Ilan sa problemang kinakaharap nila ngayon ang kakulangan sa silid-aralan, dahil marami sa mga classroom ay nasira sa nagdaang sa bagyo at lindol.
Sinabi ni Carpio, “Since I assumed office since July this year, I put into task Execomm to ensure smooth opening of classes. Andyan pa rin ang problema sa nakaraang taon pero hindi tayo titigil sa paghahanap ng solusyon sa susunod na 6 na taon.”
Kinumpirma naman ng kalihim na patuloy nilang pinag-aaralan ang implementasyon ng blended learning bilang permanent mode of instruction.
Aniya, “ As part of the transition to in-person classes, blended learning shall still be implemented and we are continuing to study the implementation of blended learning as a permanent mode of instruction for basic education. However, come November 2 the full implementation of five days in-person classes is expected as well for all public and private schools. We assure our parents that we participate in the transforming our education summit in the UN, hopefully with the presence of President Marcos, in the leaders’ day, we will be doubling our efforts to provide your children the education they deserve.”
Tiniyak naman ng DepEd na ipatutupad ang mas mahigpit na health protocols sa mga paaralan para maiwasan ang anumang hawahan ng virus.
Pero sakaling may magpositibo o magpakita ng sintomas ang isang bata, pauuwiin muna at papayagang dumalo sa pamamagitan ng blended learning.
Kung ang mga guro naman ang magpostive, may ugnayan na sila sa mga Local Government Unit (LGUs) para sa libreng testing.
Sinabi ni DepEd Undersecretary at Chief of Staff Epimaco Densing III, “Classes will continue. This COVID-19 is something that is already endemic. It is something that we have to do regardless of the alert level, we will continue to the opening of classes because protocols are there.”
Nanindigan naman ang DepEd na kailangan nang ibalik ang face-to-face classes dahil maraming bata ang naapektuhan sa kalidad ng edukasyon sa panahon ng pandemya.
Kasama sa kanilang target ngayon ang implementasyon ng English bilang mode of instruction gaya ng utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon kay Densing, “We have to start with face-to-face classes. In the last 2 years, there was significant learning loss on children. It is significant that we go back to face-to-face learning. We start with full face-to-face learning starting November 2.”
Meanne Corvera