Ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa naitala ng DOH
Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na mayroon nang ikaapat na kaso ng monkeypox sa bansa.
Ang pasyente ay isang 25-anyos na Pinoy.
Ayon sa DOH, wala siyang anumang travel history sa mga bansa na may kumpirmadong kaso ng monkeypox.
Lumabas umano ang resulta na positibo siya sa virus noong Agosto 19.
Ang pasyente ay naka-admit sa isang isolation facility.
May 14 close contact na nito ang natukoy ang isa ay nag-aalaga sa 4th monkeypox case habang may 6 ang naka -quarantine.
Kabilang rito ang isang healthcare worker na naka-complete personal protection equipment sa panahong nagpakonsulta ang pasyente.
Nilinaw ng DOH na ang 4 na monkeypox cases sa bansa ay walang kinalaman sa isa’t- isa.
Madelyn Villar- Moratillo