Philippine Coast Guard inihanda na ang kanilang mga tauhan at assets dahil sa bagyo
Handa na ang iba’t ibang district ng Philippine Coast Guard sa mga lugar na apektado ng bagyong Florita.
Ang PCG District sa Northwestern Luzon ay nakahanda na ang deployable response groups (DRG) para sa posibleng epekto ng bagyo.
Ang bawat DRG ay binubuo ng mga medical personnel, divers, at rescuers.
Ininspeksyon na rin nila ang kanilang mga search and rescue asset at equipment.
Ang PCG District Bicol naman maliban sa DRG ay bumuo na rin ng quick response teams.
Maliban sa sama ng panahon, nakabantay rin ang PCG Stations at Sub-Stations matapos itaas ng PHIVOLCS sa Alert Level 1 ang Bulkang Mayon.
Madelyn Villar- Moratillo