Pasok sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, sinuspinde na
Sinuspinde na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan.
Ang suspensiyon na epektibo ala-una ng hapon ngayong Martes, Aug. 23 at hanggang bukas, Miyerkoles, Aug. 24 ay kasunod ng rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), banggit ang patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan dala ng Southwest Monsoon na pinalakas ng Severe Tropical Storm “Florita”.
Saklaw ng suspensiyon ang Metro Manila, at kalapit lalawigan kabilang ang Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales, at Bataan.
Hindi naman kasama sa suspensiyon ang frontline agencies na nagkakaloob ng emergency services.
Ayon sa NDRRMC, “The recommended suspension will prevent any untoward incidents and will ensure the safety of the general public.”