SC at iba pang mga korte sa NCR at anim na lalawigan, suspendido ngayong Miyerkules
Walang pasok sa Korte Suprema at iba pang mga hukuman sa Metro Manila at anim na karatig lalawigan.
Ang suspensiyon sa trabaho ay inanunsiyo ng Supreme Court dahil sa epekto ng Bagyong Florita.
Ayon sa SC, ito ay para na rin maiwasan ang anumang sakuna at matiyak ang kaligtasan ng mga mahistrado, hukom, opisyal at kawani ng hudikatura.
Kasama sa work suspension ang mga first at second-level courts sa Laguna, Rizal, Cavite, Bulacan, Zambales, at Bataan.
Para naman sa mga korte sa mga lugar na hindi nabanggit, ipinauubaya ng SC sa executive judges ang pagpapasiya kung magsususpinde ng pasok sa trabaho.
Moira Encina
Please follow and like us: