Operasyon ng consular offices sa NCR at iba pang lalawigan, pansamantalang suspendido dahil sa bagyo
Suspendido pansamantala ang mga operasyon sa consular offices (CO) at temporary off-site passport services (TOPS) sa Metro Manila at iba pang lugar nitong Miyerkules dahil sa masamang panahon dala ng Bagyong Florita.
Sa abiso ng Department of Foreign Affairs- Office of Consular Affairs, kabilang sa sarado ang DFA Aseana sa Parañaque City at ang COs sa Robinsons Galleria, SM Megamall, Robinson Novaliches, Ali Mall, Alabang Town Center, SM Manila, at SM Cherry.
Suspendido rin ang operasyon ng temporary off-site passport services sa SM Mall of Asia, Newport Mall, Uptown, SM Aura, SM North Edsa, SM Manila, Robinsons Novaliches, Robinsons Magnolia, Robinson’s Place Las Piñas, at Robinsons Galleria South.
Gayundin, ang mga CO sa Calasiao, Pangasinan, Dasmariñas, Cavite, La Union, Malolos, Bulacan, Pampanga, San Pablo, Laguna, at Olongapo, Zambales.
Inabisuhan ang apektadong passport applicants sa nasabing COs na maaari silang i-accomodate sa loob ng 30 araw mula sa orihinal na passport application schedule.
Ang mga aplikante naman sa apektadong TOPS sites ay aabisuhan sa kanilang bagong iskedyul sa pamamagitan ng email.
Ang apektadong authentication applicants na may confirmed appointments sa DFA Aseana ng August 23 at 24 ay ililipat ang iskedyul sa August 25.
Moira Encina