Hurisdiksyon ng NTC sa sinasabing merger sa pagitan ng ABS-CBN at TV5 suportado ng isang mambabatas
Suportado ni SAGIP Party-List Representative Rodante Marcoleta ang paninindigan ng National Telecommunications Commission sa kanilang hurisdiksyon sa sinasabing merger sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.
Sa joint congressional inquiry ng House Committees on Legislative Franchises, at Trade and Industry, una ng sinabi ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na sa ilalim ng nasabing memo ay pasok sa kanilang hurisdiksyon ang commercial transactions gaya ng pinasok ng dalawang TV network.
Sa nasabing pagdinig, sinabi ni Marcoleta na dapat ay nagsumite muna sa NTC ng clearance of “no outstanding obligation” mula sa mga ahensya ng pamahalaan ang ABS-CBN at TV5.
Sa memorandum na inilabas ng NTC noong Hunyo, pinagbabawalan ang sinumang franchise holders na pumasok sa kasunduan o joint-venture sa alinmang kumpanya na may outstanding issues pa sa gobyerno.
Sa pagdinig ng Kamara, una ng kinwestyon ni Marcoleta kung dapat bang payagan ang ABS- CBN na makasakay sa ibang prangkisa ng hindi pa naise-settle ang kanilang mga obligasyon.
Madelyn Villar-Moratillo