PH Embassy sa Islamabad patuloy na inaalam kung may Pinoy na apektado ng matinding pagbaha sa Pakistan
Nakipag-ugnayan na ang Embahada ng Pilipinas sa Islamabad sa mga Filipino community na nasa mga lugar na nakararanas ng matinding pagbaha sa Pakistan.
Batay sa impormasyon na natanggap ng Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Philippine Embassy sa Islamabad, ang mga probinsiya ng Sindh at Balochistan ang pinakaapektado ng mga pagbaha.
Sa pinakahuling report ng embahada ay wala pang Pinoy na napaulat na nadamay sa pagbaha na dulot ng mga pag-ulan dahil sa habagat.
Hinihintay pa ng embahada ang tugon mula sa Pinoy community leader sa Balochistan ukol sa kanilang kalagayan.
Ayon sa DFA, nasa 3,000 ang mga Pilipino sa Pakistan.
Mayorya sa mga Pinoy o 90% ay household service workers habang ang nalalabi ay professionals at international organization staff.
Nagdeklara na ang gobyerno ng Pakistan ng N
national emergency matapos masawi ang halos 1,000 katao at maapektuhan ang higit 30 milyong katao bunsod ng mga matinding pagbaha na nagsimula noon pang Hunyo.
Moira Encina