DILG, paiigtingin ang modernisasyon ng mga bilangguan sa buong kapuluan
Paiigtingin pa ng DILG ang modernisasyon ng mga bilangguan sa buong bansa sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.
Ayon kay DILG Secretary Benjamin Abalos, sa harap ito ng kalunos lunos na kalagayan ng mga bilangguan kung saan nagsisiksikan ang mga bilanggo.
Isa sa tinukoy ng kalihim ang bilangguan sa San mateo, Rizal na bukod sa binabaha, palitan ang oras ng pagtulog ng mga bilanggo dahil sa sikip ng mga kulungan.
Isa rin aniya sa kanilang ipinapanukala ay magkaroon ng online hearing para hindi na kailangang dalhin sa korte ang mga bilanggo araw- araw.
Sa isyu ng mga nagpoprotestang bilanggo sa Iloilo, ayon kay Abalos, iniimbestigahan na ito at nasibak na rin ang warden.
Ipinag- utos niya na rin ang pagbibigay ng maayos na pagkain sa mga bilanggo .
Meanne Corvera