Senador Bong Go, nagpadala ng tulong sa mga nasunugan sa Zamboanga Sibugay
Dumayo ang team ni Senador Bong Go sa Zamboanga Sibugay para magpaabot ng tulong sa mga nasunugan sa Bayan ng Ipil.
Sa kanyang mensahe sa mahigit 200 pamilya na nawalan ng tirahan, sinabi ni Go na sumasailalim na sa modernisasyon ang Bureau of Fire Protection para mas mapalakas pa ang kapasidad at mas mabilis pang pagresponde sa mga insidente ng sunog.
Si Go ang principal author at co-sponsor ng BFP Modernization Act.
Kabilang naman sa ipinamahagi ng team ni Go sa mga nasunugan ay mga pagkain, facemasks, shirts, at vitamins.
May ilan naman ang nakatanggap ng bisikleta, phone tablets, at mga bola para sa volleyball at basketball.
Isa sa adbokasiya ng Senador ay ang pagpapalakas ng sports lalo sa mga kabataan para mailayo sila sa mga masamang bisyo gaya ng iligal na droga.
At dahil patuloy pa ang banta ng COVID-19, umapila rin si Go sa mga residente na hindi pa bakunado na magpabakuna na laban sa virus.
Madelyn Villar- Moratillo