Kamag-anak na rebelde at terorista ng government workers, ipinadedeklara
Ipiinadedeklara ni Senador Francis Tolentino sa lahat ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno kung may kapatid o kamag- anak na konektado sa anumang rebeldeng grupo at terrorists organization .
Kasunod ito ng pagkakaaresto sa kapatid ni CHED Chairman Prospero de Vera na umano’y isa sa mga matataas na lider ng New People’s Army.
Ayon pa kay Tolentino, napapanahon nang ideklara kung ang isang government official o employee , elected man o ini-appoint ay may kamag anak na rebelde o terorista hanggang sa fourth degree of consanguinity.
Sa pagdedeklara aniya ng Statement of Assets Liablities at Net worth, idinedeklara rin ang sinumang kamag -anak na nagtatrabaho sa gobyerno hanggang fourth degree kaya dapat ganito rin ang gawin kung may kamag -anak na mga terorista o rebelde.
Pangamba ng Senador baka nagagamit ang posisyon ng isang government official o employee para maka access sa mga confidential information na maaaring maglagay sa panganib ng National security.
Wala raw siyang personal na issue o galit kay de Vera pero ang CPP aniya at ang military arm nito ay idineklara ng terrorist organization hindi lang ng pilipinas kundi ng European Union, Estados Unidos at United Kingdom.
Meanne Corvera