Dating Pangulong Rodrigo Duterte, dumalo sa PDP-LABAN National Council Meeting
Dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang National Council Meeting ng partidong PDP-LABAN na idinaos sa Paranaque City.
Kasama ni Duterte na dumating sa pulong sina Senator Ronald “Bato” dela Rosa, Senator Christopher “Bong” Go, Senator Robinhood Padilla, at Senator Francis Tolentino.
Sa pagpupulong ay binanggit ng dating Pangulo kung gaano karami ang sangkot sa droga at ano ang masamang epekto nito sa pamilyang Pilipino.
Binanggit din niya na kailangang palakasin ang partido.
Ayon naman kay PDP-LABAN Vice Chairman Alfonso Cusi, sang-ayon at malinaw sa partido ang guidance ng kanilang Chairman na dating Pangulo ng bansa.
Tinalakay din sa pulong ang adopted Executive Committee Resolution No. 29, Series of 2022 kung saan itinatalaga bilang Executive Vice President ng Partido Demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan, si Senator Robinhood Padilla.
Dumalo rin sa pagpupulong ang lahat ng PDP-LABAN National Council Members, at isa rito si Congressman Edwin Olivares na kasalukuyang Vice President for NCR at Regional Council President for NCR na isa sa nakatanggap ng Plaque of Commendation.
Betheliza Paguntalan