Buhay ng isang brass sculptor
Magandang araw mga kapitbahay!
Tungkol sa brass sculpture ang pagkukuwentuhan natin dahil brass sculptor ang nakapanayam natin the other day sa program, si Ms. Ella Hipolito .
Ang unang tanong natin kay Ms. Ella, bakit brass sculpture ang nakahiligan niya, gayung isa na siyang painter?
Ang sabi niya, noong kasagsagan ng pandemya nagstart ang lahat.
Para makaiwas sa pagkabagot.
Gusto niya raw gumawa ng kakaiba at hindi pangkaraniwan, kaya pinasok ang mundo ng mga lalaki, ang metal o brass sculpture.
Nagpaturo siya sa isang kilalang brass sculptor na si Mr. Chit Villanueva.
At ngayon nga ay mahigit ng isang taon siyang gumagawa ng brass sculpture.
My second question, mahirap bang gumawa ng brass sculpture?
Ang sagot niya sa atin, ang limit lang ay ang creativity.
Kailangan malaro ang isip.
Isipin na ang raw material ay metal na sinlaki ng plywood.
Isipin kung paano bibilugin, paano gagawin into a human figure or into something na parang napaka smooth or soft ang dating pero metal ang ginagamit mo.
So, technically, medyo mahirap pero doble naman.
Ang isang piyesa pala o artwork ay ginagawa ni Ms. Ella ng isang lingo.
At sana nga daw sa pagdaraan pa ng mga panahon ay mas maging mabilis pa siya.
Para kay Ms. Ella, Ang precious brass artwork ay tinawag niyang “Chasing Childhood Memories”.
So far, ito ang pinakamalaki niyang ginawa.
Ginawa niya ito ng isang buwan.
At ang pinaka nagustuhan niyang ‘comment’ sa kaniyang mga gawa, ay nang may magcomment ng ‘maangas’ parang astig ang dating.
Panghuli, ginagawa niya ang brass sculpture dahil nag-e-enjoy siya lalo pa anga’t walang deadline or pressure sa kaniya.
Hindi tulad kapag namamasukan ka o nasa opisina, na kailangang i-please ang boss.
Sarili mo ang oras bagaman kapag hindi kumilos ay hindi kakain.
Binigyang-diin niya sa atin na hindi niya ikinukumpara ang sarili sa iba o nakikipag-compete.
Manapa, ikinukumpara niya ang previous works niya sa mga ginagawa niya ngayon.
Alam n’yo ba mga kapitbahay na marami na rin sa kaniyang piyesa ang nabili na, congrats, Ms Ella!
So until next time, sa muling nating kuwentuhan mga kapitbahay!