Ikalawang kaso ng Monkeypox sa bansa, nakarekober na
Nakarekober na ang ikalawang kaso ng monkeypox sa bansa.
Ayon kay Department of Health O-I-C Ma. Rosario Vergeire, ang nasabing pinoy ay nakalabas na ng isolation facility noong Agosto 31.
Ang ikatlong kaso naman na isang 29 anyos na pinoy ay nagpapatuloy pa ang home isolation.
May kaunting sugat pa aniya ito pero nananatili namang nasa maayos na kalagayan.
Habang ang ika apat naman na monkeypox case ay patuloy parin ang isolation pero natutuyo na ang mga sugat nito.
Ang close contacts naman ng mga ito, nanatiling asymptomatic at hindi nakitaan ng sintomas ng virus.
Ayon kay Vergeire, nananatiling 4 lamang ang kaso ng monkeypox sa bansa.
Madelyn Villar – Moratillo