DepEd planong magdagdag ng 10,000 guro sa susunod na taon
Balak ng Department of Education (DepEd) na magdagdag ng 10,000 guro sa 2023.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, ito ay para mapunan ang mga kakulangan sa mga guro sa mga eskuwelahan.
Sinabi ni Poa na tuluy-tuloy ang hiring ng kagawaran ng mga teacher.
Nilinaw naman ng opisyal na ang inilabas kamakailan na Memorandum Order No. 76 ng DepEd ukol sa pagpunan sa mga bakanteng posisyon ay reiteration lang ng mga dating panuntunan.
Pangkalahatang polisiya naman aniya talaga ng DepEd na lahat ng vacancies sa teaching positions ay dapat na mapunan.
Layon aniya ng inisyung memo na mapaalalahanan ang mga paaralan na dapat makumpleto ang mga kakulangan sa guro.
Moira Encina