Quarantine facilities sa Maynila zero occupancy rate na
Wala ng pasyenteng naka isolate sa quarantine facilities sa Maynila.
Sa datos ng lokal na pamahalaan ng Maynila, hanggang kahapon September 4, nananatiling bakante ang kanilang 50 kama sa Manuel Luis Quezon University quarantine facility.
Dahil sa mababang kaso ng COVID-19 sa lungsod, una nang inalis ng lokal na pamahalaan ang ilan sa kanilang quarantine facility.
Sa kanilang 6 na district hospitals naman, sa 296 covid beds, 37 lang ang okupado.
Habang sa Manila COVID-19 field hospital, sa 344 beds ay 53 lang ang okupado.
Sa datos ng Manila LGU, may 185 aktibong kaso ng covid 19 sa lungsod.
Madelyn Villar-Moratillo
Please follow and like us: