Ano ang “Quiet Quitting”?

Trending sa local at international news ang tinatawag na “quiet quitting” sa workplace.

Kaya minabuti natin tanungin ang isang eksperto tungkol dito, si Mr. Jimmy Belleza, Happiness Coach, Business and training consultant.

Paliwanag niya ang “quiet quitting” ay ginagawa ng isang empleyado kung saan on the dot dumarating at umaalis sa workplace.

Kung ano ang nakatalagang gawain o trabaho iyon ang ginagawa.

Hindi ito pag-iwas sa trabaho.

Ngunit hindi ginagawa ang higit sa standard work.

Healthy para sa mga empleyado para hindi ma-burn out.

Nagsimula aniya ito more than a decade ago, pero ngayon lang nag explode dahil sa social media.

Ang buhay ay dapat balanse, at hindi puro trabaho lang para hindi magkaproblema sa mental health, hindi toxic o burn out sa trabaho.

Hindi rin na-exploit.
.
Nilinaw ni Sir Jimmy, bagamat pabor para sa mga empleyado ang ganitong mindset, dapat unawain ito ng mga employer ang sinasabing “work balance”.

Kung aalamin ang index ng mga worker sa ibang bansa, mas masaya sa workplace ang mga empleyadong maiksi ang oras ng pagtratrabaho kumpara sa atin, sa Pilipinas na mas mahaba ang working hours.

Ang ganitong sitwasyon kung saan nauubos ang oras sa hanapbuhay ay nagreresulta rin ng hindi magandang relasyon sa pamilya.

Minsan ay nagiging ugat ng pagtatalo ng mag-asawa.

Samantala, itinanong din natin kung dapat bang mangamba ang mga employer kung ang kanilang empleyado ay nasa ‘quiet quitting’ mode?

Sagot ni Coach Jimmy “yes”, apektado kasi ang productivity lalo na ‘yung nasa hospitality industry na kailangan talagang mag-extend ng kanilang oras.

Lumalabas din na may kinalaman ang leadership skills kung bakit nauuwi sa ganitong kategorya ang isang empleyado, kapag maayos ang pangunguna o management, normally, mas gusto mag stay sa work kaysa mag stay sa bahay.

Kaya nga, kapag napansin na natin nasa ganitong estado ang staff, mahalagang i-acknowledge ito, at ipaliwanag sa kanila kung bakit mag-extend ng oras sa pagggawa.

Dapat ding obserbahan at ipag-alala ang mga kasama na nag-e-exert ng effort o gumagawa ng sobra-sobra.

Maganda ang performance.

Ito ‘yung nagtatrabaho dahil may inaasahan siyang promosyon pero, sa madalas na pagkakataon ay sa iba naibibigay ang promotion.

Kaya nag-iiba ang performance.

Importante sa employer o manager na kausapin ang empleyado na nauwi sa pagiging quiet quitter.

Kahit mga manager ay maaaring masumpungan sa ganito ning sitwasyon.

Huwag balewalain, dahil paano na lang ang mga taong nasa ilalim o pangunguna ng manager.

Mahalagang maresolba ito ng management, mabigyan ng solusyon.

Sa huli ang paalala ni Sir Jimmy, mahalagang kausapin ang superior para maging klaro ang gampanin.

Upang maunawaan din na mahalaga para sa iyo ang magkaroon ng work-life balance.

Please follow and like us: