Senador Loren Legarda, nilinaw na kaalyado pa rin siya ng sandatahang lakas ng bansa
Nilinaw ni Senador Loren Legarda na nananatili siyang kaalyado ng sandatahang lakas ng bansa.
Ang paglilinaw ay ginawa ni Legarda sa harap nang pagdepensa nito sa mga makakaliwang grupo.
Noong nakaraang Linggo iminungkahi ni Senador Francis Tolentino na ideklara ang mga kamag-anak na rebelde o terorista ng mga nasa gobyerno, dahil sa posibleng banta sa national security, na tinutulan ni Legarda sa pagsasabing walang masama na makatrabaho ang mga makakaliwa.
Ayon kay Legarda mariin niyang kinokondena ang lahat ng uri ng karahasan at kaisa siya sa pamahalaan sa paglaban sa anumang armed conflict.
Pabor rin siya at isa sa mga nagsusulong ng ‘peace talks’ sa rebeldeng grupo.
Sinabi ni Legarda na bilang reserved officer ng Philippine Airforce, sinusuportahan niya ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga batas, kabilang na ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas.
Meanne Corvera